Ano nga ba ang speed ng
panahon? Gaano ba talaga kabilis o kabagal tumakbo ang oras? Sana ang buhay ay
may remote control. May rewind para maaari natin itong i-set sa mga panahong pinakagusto
nating balik-balikan. May fast forward para lampasan natin ang mga low times ng
buhay natin. May record para mapanatili natin ang mga magaganda at masasayang
ala-ala. May pause para patigilin natin ang oras sa kasalukuyang sitwasyon na
kinalalagyan natin na kung saan pakiramdam natin na everything is perfect. Ito
ay isang sana na imposibleng mangyari dahil ang buhay ng tao ay naka-continuous
play at tanging si Lord lang ang may control at ang may kapangyarihang pindutin
ang stop button.
Some six months ago, nakita ko
na lang ang sarili ko sa airport katabi ng cart ng aking maleta at iba pang
bagahe kasama si Lola Luding, dalawang kapatid ko, si Mama, si Papa at si
Nanay. Eto na yung portion ng makabagbag-damdaming paalamanan katulad ng mga
napapanood natin sa pelikula pero walang ganoong nangyari. Wala akong
matandaang emosyon ng mga oras na yun. Everything seemed so surreal. Nangyari
na lang ang lahat in a snap at pakiramdam ko ay hindi pa ako handa. Tahimik
lamang ako ngunit maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ko. Anong ginagawa
ko dito? Sigurado ba ako sa papasukin ko? Kaya ko ba to? Ano ba talaga ang
gusto kong mangyari? Ambivalence, yun na.
Matagal-tagal na panahon din
ang hinintay namin bago dumating ang opportunity na ito para sa akin. Dapat ay
nag-lululundag na ako sa tuwa dahil sa wakas natupad na din yung matagal naming
pinapanalangin, pero I felt indifferent about the situation. I should be alive,
alert, awake, enthusiastic dahil after so long, magsisimula na ang career ko. I
should be embracing the situation with zeal dahil I’m about to embark on
something great na dapat some years ago ko pa nasimulan. Kumbaga, nahuli na ako
sa byahe dahil yung ibang kasabayan ko ay naghaharvest na ng fruits of their
labours dahil they started their professional adventure early on, right after college
graduation. Hindi naman ako nagtamad-tamaran pagkagraduate, sinubukan ko naman
humanap ng trabaho pero hindi naman lingid sa ating lahat ang krisis na
kinahaharap ng overpopulated nursing community ng Pinas. Napagod, nadismaya at
nawalan na ng gana, nagpasya akong talikuran na ang propesyon na ito at pinalad
naman na makapasok sa ultimate alternative industry para sa nag-uumapaw na mga Pinoy
Nars, ang call center. “Hello, thank you
for calling [insert company name], my name is [insert your name], how may I help
you today? [insert conversation of less than 2 minutes]… is there anything else
I can help you with? Thank you for calling us and have a good one!” Masaya
naman at pakiramdam ko ay kuntento na ako dahil kumikita na ako at
nakakapag-ipon kahit papaano at yun naman ang ginusto ko dati pa e, ang
magtrabaho sa air conditioned office na may computer sa desk on a usual 8-5
shift although graveyard shift kami palagi dahil taga-Tate ang mga clients namin.
My call center stint was short-lived.
Hindi ko alam kung sadyang obedient child ako or sadyang takot lang ako gumawa
ng desisyon para sa sarili ko dahil sinunod ko na naman ang gusto nila. Sabi
nila, sayang daw yung pinag-aralan ko kung hindi ko gagamitin, na ang iniisip
ko lang ay yung ngayon at hindi yung pangmatagalan and so on. Katulad ng isang
di-susing laruan, isang pihit lang ay nakasunod na agad. Balik na naman ako sa
pagiging bum habang naghahanap ng trabaho sa ospital. Pero wala pa din. Bakit
daw hindi ako mag-volunteer? Ang sagot ko naman ay kaya nga ako may lisensya
para magkatrabaho at kumita kaya bakit ako magbo-volunteer? Talo, kinain ko ang
sinabi ko. Nag-volunteer at nag-training ako ng ilang panahon. Ang saklap lang
kasi dahil gumaganap kami bilang staff pero kami pa ang nagbabayad para sa
training, hindi pa kasali ang pagkain, pamasahe at syempre ang mga side trips.
In short, graduate na ako at professional sa papel pero nakaasa pa din sa
pamilya. Parang bingi at bulag ang gobyerno sa nangyayari sa mga dakilang
ginusto talagang maging nars upang magsilbi sa kapwa at sa mga katulad ko na napilitang
pasukin ang noble calling na pinagbibidahan ni Florence Nightingale. Well,
hindi naman lahat ay masamang ala-ala. Naging masaya din ang mga panahon na yun
dahil natuto at nahasa ako kahit papaano at syempre, marami akong nakilalang
tao na nagpasaya at nagpapasaya sa akin kahit masalimuot ang daan. Ito ang magsisilbing
baon ko para sa mga darating na araw.
Hanggang dumating na ang
inaasahan o ang hindi inaasahan? Opportunity knocks only once sabi nila kaya
kahit hindi ako sigurado at puno pa ng agam-agam, I took the chance. Ayoko
naman maging inggrato kaya malaki ang pasasalamat ko kay Lord sa pagkakataon na
ibinigay Niya sa akin at sa mga taong ginamit nya upang maging posible ito. “Ready ka na ba? Baka mamaya pagdating mo dun
iiyak ka at sasabihin mong gusto ko ng umuwi.” Yan ang running joke sa
akin. Isang matapang na, “oo naman!”
ang sagot ko kahit at the back of my mind ay hindi ko talaga alam ang sagot,
lalo na at hindi ako sigurado sa gusto kong mangyari. Sa gitna ng katahimikan
ng aking pag-iisa, pilit kong tinatanong ang sarili ko ngunit hindi ko sya
masagot. Added pressure pa dahil it’s another first sa buhay ko. Sa loob ng 25
years, first time ko lang malalayo sa pamilya ko at sa abroad pa ang punta ko.
Hindi biro yun dahil hindi naman pwedeng pag nainip ako ay sasakay lang ako ng
taxi at nasa bahay na ulit ako. 4,741.61 miles more or less ang pinag-uusapan
natin dito. Once I set foot sa eroplano, there’s no turning back. “Ihatid nyong lahat yan dahil baka hindi
sumakay sa eroplano para maitulak nyo,” biro ng tiyuhin ko.
Hinayaan ko lang dumaan ang
mga araw na wari ba’y in denial pa rin sa napapalapit na paglisan. Pilit kong
hindi iniisip na aalis ako at lalayo. Sinulit ko na lang yung mga araw bago ang
departure ko, pero tila nasobrahan ako sa pag-eenjoy na hindi ako nag-abala
mag-empake kaya ang ending ay cramming the night before. Magdamag kaming gising
ni Tita Ning kakaayos ng mga dadalhin ko, paglalagay sa maleta, pagsara nito,
pagkilo at pagbukas muli dahil sobra sa timbang. Ang hirap dahil may limit ang
mga bagahe, e parang gusto kong dalhin ang buong bahay namin pag-alis ko. Pero
katulad ng tunay na buhay, may mga bagay kang kailangang bitiwan at iwanan dahil
makakabigat lamang ito sa iyong paglalakbay. Sa wakas ay natapos din sa
pag-eempake at bahala na sa airport kung magka-excess baggage man. Nakaiglip rin
ako kahit papaano at paggising ko ay pinagmasdan ko ang cellphone ko at wall
clock na tila ba nagbibilang ng oras, minute, segundo. Ganun pala yun pag alam
mong something is about to end, katulad na lang ng pagbibilang ng oras ng mga
cancer patients na tinaningan na ang buhay o kaya naman ng isang convicted na
naghihintay ng death sentence. Well in my case, binibilang ko ang natitirang
oras ko bago magsimula ang panibagong yugto ng buhay ko, a positive event that
I’m uncertain of. I felt numb that time, wala akong maramdaman, tahimik at parang
ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko, lutang at blangko. Kumain ng konti,
naligo, nagbihis, nilagay ang mga bagahe sa sasakyan at nagpaalam na sa mga tao
sa bahay. Lumapit sa’kin si Mommy Cons at sinabing, “O ang daming magpapaalam sayo o,” at hindi ko na napigilan ang
mapaluha at niyakap nya ko habang humihikbi. Pinunasan ko ang luha ko at
pinilit magpakatatag at ngumiti. Biniro pa ako ng pinsan kong si Aumi, “naks, ang tapang o, hindi umiyak.” “Wala
na, tapos na!” “Ay sayang, kanina ko pa inaabangan,” tugon niya at
nagtawanan kami.
Nabalot ng katahimikan ang aming
sinasakyan patungong airport. Nagtulog-tulugan para maiwasan ang kahit anumang
conversation, nagpakabusy sa pakikipagtext sa mga kaibigan at ibang kamag-anak
para magpaalam. Hanggang sa dumating na kami sa airport, 6 hours bago ang
flight. Ang aga namin, eto naman kasing agency sabi agahan para kung sakaling
may problema ay may allowance sa oras. Fortunately, wala naman kaya sabi ko
sana ay nag-ikot muna kami sa MOA para nakapag-last bonding kaso nandun na kami
e. Dahil Pinoy tayo, hindi mawawala ang kodakan pagkatapos ay nagpray at
nagpaalaman na kami. Mabuti na lang at may kasabay akong aalis kaya hindi magiging
masyadong malungkot ang flight ko. Pumasok na kami para mag-check in at hindi
ko na sila nilingon pa. Yun ang mali ko dahil dalawang taon ko silang hindi
makikita. Sayang.
Two years? Kaya ko kaya? Ang
tagal naman nun. Hindi mo naman malalaman kung hindi mo susubukan. “Sandali lang ang dalawang taon,” sabi
nila. Madaling sabihin pero pag ikaw na yung nasa sitwasyon e parang hindi ka
kumbinsido. Sa ngayon ay palapit na ko sa ikapitong buwan ko dito pero pakiramdam
ko ay ang tagal ko na dito. Ganun talaga
siguro pag malayo ka talaga sa mga mahal mo sa buhay, parang ang bagal ng pihit
ng oras. Ang isang araw ay parang katumbas ng isang linggo. Isama mo pa dyan
ang magkaibang time zone. Kahit 5 hours lang ang pagitan ng Pilipinas at Qatar
ay mahirap pa din dahil tulog ako kapag gising sila and vice versa at minsan
naman ay busy sa trabaho kaya walang chance na makacommunicate. Para-paraan
lang yan.
Two years na solo flight? Kaya
ko kaya? You have to look after yourself. Isa siguro sa mga maraming bagay na
maituturo sayo ng pagiging OFW ay ang maging self-sufficient. Wala kang nanay
na maglalaba at mamamalantsa ng damit mo, wala kang lola na magluluto ng paborito
mong pagkain. Wala, walang-wala kundi ang sarili mo lang. Mula paggising mo
hanggang sa muli mong pagtulog ay ikaw lang ang mag-aasikaso sa sarili mo kaya
katulad ng tagline ng Clusivol, “bawal
magkasakit,” dahil mahirap na sitwasyon yan pag nasa abroad ka.
Two years away from your
friends and loved ones? Kaya ko kaya? Mahirap ito lalo na kung sobrang attached
ka sa mga kaibigan at sa pamilya mo lalo na kung first time ka lang lalayo.
Aaminin ko na may mga panahon napapaisip ako na baka masanay sila na wala ako
at ituloy nila ang buhay nila na hindi ako kasama. Mabuti na lang at lagi nila akong
nirereaassure na hindi ganun yun. May mga araw din na sa iyong pag-iisa ay
bigla kang aatakihin ng pinakamatinding kalaban ng mga bagong bayani, ang
homesickness. Kahit anong tanggi mo, kahit anong pigil mo, darating at darating
ang mga sandaling mararamdaman mo ito. Mahirap ngunit kailangan mong labanan.
May mga panahon na maiisip mo na ayaw mo na, gusto mo ng sumuko pero hindi
pwede. Hindi dapat. Sinasabi ko na lang lagi sa sarili ko na konting tiis lang,
ngayon ka pa ba ako aayaw e nandito na ako. Napagtiisan ko na ng ilang panahon
kaya pagtitiyagaan ko na. May mga panahon na ayaw kong hawakan ang cellphone ko
para mag-long distance call dahil lalo ko lang silang mamimiss pero may mga
panahon din na marinig ko pa lang ang mga boses nila ay para na akong nabubuhayan
muli ng loob. Eto yung mga sandaling naiisip ko na sana pwede kong pabilisin
ang oras, na sana may magic carpet ako para makakauwi ako araw-araw sa Pinas, na
sana I can bend time and space katulad ni Hiro sa Heroes at sana ay may bulsa ako
katulad nung kay Doraemon na may magic door.
Two years. Ano nga ba ang
gagawin ko sa loob ng dalawang taon? To do what is expected of me, to gain
experience and to earn and save funds. Yan siguro ang primary answers to my
last question. Pero hindi ko siguro lubusang masasagot ang tanong na ito
hanggang dumating ako sa dulo ng paglalakbay na ito. Marami ang pwedeng
mangyari sa loob ng dalawang taon. May saya at may lungkot dahil hindi perpekto
ang buhay. Minsan kong nabasa ang mga katagang, “If today is meant to be perfect, there will be no need for tomorrow.”
Tama nga naman. So kung anuman ang mayroon ako ngayon at kung nasaan man ako
ngayon ay dapat ipagpasalamat ko dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong
pagkakataon. Ang dapat ko lang gawin ay take the good with the bad, make the
most out of it and enjoy the experience. Anong malay natin, baka sa loob ng two
years na ito ay masagot ko na kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko.
Baka dito ko mahanap ang direksyon na dapat kong sundin. Sipag, tiyaga,
pagsisikap at syempre trust and faith in God ang dapat pairalin dahil He leads
us where we should be.
So live each day as it comes
and be a good team player of life. Be patient and soon you’ll be led to your
happiness for someday this’ll all make sense.
P.S. Open contract pala kami,
so meaning hindi lang ito two years. Inshallah.
No comments:
Post a Comment
Comments are appreciated.